Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, ginunita ang ika-120 Taong Anibersaryo ng Kamatayan ni Gat Apolinario Mabini
“Karunungan tungo sa Kasarilan” – ito ang alaalang ginuta ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang pamunuan NHCP Museo ni Apolinario Mabini, Tanauan at mga kamag-anak ni Gat Apolinario Mabini para sa ika-120 Anibersaryo ng Kamatayan ng ating bayani kahapon, ika-13 ng Mayo.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-diin nito sa ating pag-alala sa kabayanihan ni Gat Apolinario sa pamamagitan ng patuloy na pagbabalik-tanaw sa kaniyang buhay at pagkilala sa mga kontribusyon nito sa sa pagkamit ng ating kasarilan.
Bagong kaalaman ukol sa ating Tanaueñong Bayani ang ibinahagi ni Dr. Emmanuel Calairo, Direktor ng National Historical Commission of the Philippines. Aniya, bukod sa pagiging ‘Utak ng Himagsikan’, isa rin si Gat Apolinario sa nagtatag ng Unang Republika at isa sa nagsulong ng pagbubuo ng Lokal na Pamahalaan ng mga bayan sa Pilipinas.
Habang nagpaabot din ng mensahe ng pagkilala at paggalang sa ating bayani si TWCC President Atty. Cristine Collantes na kumatawan sa ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes.
Samantala, sama-sama ring nag-alay ng bulaklak ang lahat ng dumalo sa himlayan ni Mabini at nagpaabot rin ng bagong libro patungkol sa pag-aaral sa buhay ng ating bayani si Dr. Calairo.