HELLO, LUNA 

Masisilayan ang supermoon ngayong Huwebes, Oct. 17, ayon sa DOST-PAGASA.
Nangyayari ang astronomical phenomenon na ito kapag pinakamalapit ang buwan sa Earth at sumasabay ito sa full moon.
Sa supermoon, 7% mas malaki at 15% mas maliwanag ang buwan kumpara sa normal na full moon.