๐๐๐ซ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ ๐ฉ๐จ, ๐๐๐ง๐๐ญ๐จ๐ซ Bong Go ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐๐ฒ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฎ๐รฑ๐จ!
Punung-puno ng biyaya ang natanggap ng Tanaueรฑo ngayong araw matapos bumisita si Sen. Bong Go para personal na ipaabot kina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at buong Sangguniang Panlungsod ang bagong ambulansya, grocery packs, DOLE TUPAD para sa Lungsod ng Tanauan.
Kaugnay rito, inaasahang magagamit na ng ating Tanauan City Health ang Type 1 ambulance and equipment nito para sa mga emergency responses na kinakailangan ng ating mga kababayan.
Habang sa patuloy na pakikipagtulungan nina Mayor Sonny at Congw. Maitet Collantes, tagumpay ring naihatid ang programang DOLE TUPAD kung saan binigyan ng pansamantalang trabaho ang 500 mga Tanaueรฑo at magiging katuwang ng lokal na pamahalaan sa paglilinis ng kanilang mga barangay.
Bukod rito nakiisa rin sa pamamahagi ng iba pang kagamitan ang actor na si Philip Salvador kung saan naghatid ito ng sports equipments, sapatos at bike para sa mga benepisyaryo.
Sa kabilang banda, nakibahagi rin sa nasabing programa sina Vice Governor MARK LEVISTE, Alitagtag Mayor Edilberto “Dingdong” Ponggos, Tanauan City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao, mga kinatawan mula Department of Labor and Employment – DOLE at Department of Health (Philippines) sa pangunguna nina Health Facility Enhancement Program Unit Head Engr. Ronald Doroteo at DOH Region IV-A Center for Health Development. Dr. Monica Jennifer Victorino.