Hard Discount Philippines Inc., Tanauan

Hard Discount Philippines Inc. (Dali Everyday Grocery)!

Pagsulong ng isang Business-friendly Tanauan City, binigyang diin ni Mayor Sonny katuwang ang Hard Discount Philippines Inc. (Dali Everyday Grocery)!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang mga opisyales ng Hard Discount Philippines Inc. (Dali Everyday Grocery) sa pangunguna ni Mr. Cristoph Schaedel upang makipagtulungan sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mas mapalago ang mga trabaho at oportunidad sa Tanauan.
Inihayag din nila sa ating Punong Lungsod na nakahanda silang makipagtulungan para sa pag-unlad ng ating Lokal na Ekonomiya na magbibigay ng kabuhayan sa mga Tanaueño.
Kaugnay nito, patuloy ang pakikipagpulong ng ating butihing Mayor sa mga investor para rumami ang mga developer na lilikha ng maraming oportunidad at para sa pagsulong sa kaniyang adhikain na isang Business-friendly Tanauan City.
Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga suhestyon at mga kahilingan.
Previous Federation of Senior Citizens Meeting!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved