Happy Monday, Tanaueños!

Happy Monday, Tanaueños!🇵🇭
Bilang bahagi ng pagsisimula ng panibagong Linggo sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, naghatid ng ulat-bayan ngayong umaga si Mayor Sonny Perez Collantes patungkol sa mga aktibidad.
Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang mga sumusunod:
• Regular na pagpupulong kasama ang mga Punong Barangay ng Lungsod.
• Paglulunsad ng Hypertension & Diabetes Club sa Brgy. Balele kasabay ng Libreng Medical Mission para sa mga Senior Citizens
• Paghahatid ng Protective Suits at Local Weather Monitoring equipment para sa 48 Barangay
• Pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Janopol Oriental, Janopol Occiendental, Wawa, Natatas, Gonzales, Sambat at Santor
• Pakikipagpulong sa mga kinatawan ng PAF Reserve
• Pagpapaabot ng Emergency Disaster Vehicles sa mga Barangay para sa mabilis na disaster response
• Pagsasagawa ng kauna-unahang Capacity Building para sa mga PWD Presidents at Coordinators
• Pagpupulong kasama ang mga manininda sa Lungsod
• Pagmamahagi ng Local AICS at Senior Citizens’ Cash Incentives
• Paghahatid ng Free Surgical Mission katuwang ang St. Luke’s Medical Center Foundation Inc.
• Pamamahagi ng School Supplies at Flexible Uniforms para sa mga mag-aaral ng Bagumbayan at Hidalgo
Naging matagumpay rin ang paglulunsad ng Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat Program para sa mga Batangueño na inihatid nina Pang. Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez katuwang si Congw. Maitet Collantes.
Habang naipaabot din ang Emergency Housing Assistance para sa mga Batangueño na naging biktima ng naganap na sunog sa Brgy. Trapiche at nasalanta ng Severe Tropical Storm #PaengPH.
Samantala, malugod namang ibinalita din ni Mayor Sonny na ligtas ang kalidad ng hangin sa Lungsod batay sa Localized Air Quality Index Report ng Lungsod na kasalukuyang ginagamit ng ating Tanauan CDRRMO para sa pag-monitor ng ibinubugang sulfur ng Bulkang Taal.
Bukod rito, taos pusong pinasalamatan naman ni Mayor Sonny ang mabilis na pagresponde ng ating PNP Tanauan City para sa isinagawang follow-up operations sa Lungsod ng Tanauan kaugnay sa isang insidente nitong nakaraang linggo.
Previous 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐠𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐢𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐞ñ𝐨

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved