Happy Monday, Tanaueños!

Sa pagsisimula ng panibagong Linggo sa Lungsod ng Tanauan, pormal na pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pagtataas ng watawat sa Lungsod kung saan kaniyang ibinahagi ang mga naging aktibidad ng lokal na pamahalaan.
Kaugnay rito, nagsagawa ng malawakang monitoring ang Tanauan LGU nitong nagdaang linggo bunsod ng Super Typhoon #PepitoPH kung saan inatasan ni Mayor Sonny ang mga frontline offices na manguna sa iba’t ibang disaster response para sa mga Tanaueñong maaaring naapektuhan ng bagyo.
Bukod rito, iba’t ibang programa at serbisyo rin ang inihatid ng lokal na pamahalaan tulad ng:
• Pamimigay ng Libreng Learning Books para sa mga CDC Learners
• Pamamahagi ng Local AICS para sa mga Tanaueño
• Pagpapaabot ng Cash Incentive para sa Centenarian ng Brgy. Ulango
• Pamamahagi ng DOLE Tupad sa pamamagitan ng opisina ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes
• Pakikiisa sa general meeting ng Citizen’s Crime Watch
• Paghahatid ng Skills Training para sa mga kababaihan
• Paghahatid ng Libreng Sisiw para sa kababaihan at ERPAT Members
• Pagtanggap ng mga donasyon ng Land Bank of the Philippines at Smart/PLDT para sa mga Tanaueñong naapektuhan ng Bagyong #KrisitinePH
• Consultative Meeting ng Solo Parents
• Pakikiisa sa Civil Security Unit Regular Meeting
• Consultative Meeting kasama ang nga Tanaueñong naapektuhan ng Bagyong #KristinePH
• Pamamahagi ng Bagong Bahay para sa mga Tanaueño hatid ng Prime Infra Foundation
• Pakikiisa sa Orientation and Consultative Meeting kasama ang mga Newly-hired Employees ng City Government of Tanauan
• Paghahatid-suporta para sa mga Atleta ng Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc.
• Pamamahagi ng Honorarium para sa mga Barangay Police
• Pakikiisa sa Monthly Meeting ng Senior Citizens
• Pagpapaabot ng Emergency Housing Assistance Program sa pamilyang nasunugan sa Brgy. Ambulong
• Pagsasagawa ng 7th Monthly Meeting ng Tanauan City Women’s Coordinating Council
• Pagkilala sa kontribusyon ng iba’t ibang kawani at organisasyon para sa ginanap na #UNDAS2024