Happy Monday, Tanaueños!

Pormal na pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong umaga ang pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan kung saan iniulat niya ang mga aktibidad ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
* Paggunita ng ika-65 na anibersaryo ng pagakamatay ni Dr. Jose P. Laurel
* Pagbisita ni Pang. Bongbong Marcos upang ipaabit ang “Handog sa Pangulo” Program
* Pakikiisa sa Comprehensive Development Planning ng Tanauan LGU
* Pakikibahagi sa Barangay Assembly ng Darasa
* Pamamahagi ng libreng Uniporme para sa mga PWD Presidents and Coordinators
* Pamamahagi ng DSWD AKAProgram mula sa tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes
* Pakikiisa sa Christmas Lighting Ceremony ng Seven Stars Business Park
* Paghahatid ng Libreng Skills Training para sa mga kababaihan ng Pantay Matanda
* Pagpapaabot ng Cash Incentives para sa mga Centenarian
* Pagpapaabot ng relief packs para sa mga nasalanta ng Bagyong #KristinePH
* Pagbubukas ng Cedera
* Pagpapasinaya ng Executive Meeting ng Tanauan City Tripartite Industrial Peace Council
* Pagpupulong kasama ang DSWD Inter-agency Council para sa KALAHI-CIDSS
* Consultative Meeting kasama ang mga miyembro ng ERPAT Tanauan City
* Pamamahagi ng Assistive Devices para sa mga PWD
Samantala, pormal na binuksan rin ang selebrasyon ng National Children’s Month ngayong araw kung saan pinangunahan ito ng ating mga Child Development Teachers.