Happy Monday, Tanaueños!

Happy Monday, Tanaueños!
Pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong umaga ang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan kung saan kaniya ring ibinahagi ang ulat sa bayan para sa nagdaang linggo.
Kabilang sa mga aktibidad ng ating Punong Lungsod ay ang mga sumusunod:
• Regular na pagpupulong kasama ang mga Punong Barangay
•Muling paglulunsad ng Serbisyo Publiko Caravan na isinagawa sa Brgy. malaking Pulo katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan
•Pagpapasinaya ng 3rd Quarter Disaster Risk Reduction and Management Council
•Pormal na pagbubukas ng newly-renovated Tanauan City Vendor’s Market sa Poblacion 7
•Pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Brgy. Balele, Maria Paz, Boot, Cale, Bilog-bilog at Sala
•Pamamahagi ng libreng corrective glasses handog ni Mayor Sonny at Tanauan CHO
• Pagtalakay ng kasalukuyang estado ng Tanauan City College sa TCC BOT Meeting
•Pakikiisa sa Monthly Meeting ng Natatatas Association of Senior Citizens
•Panunumpa ng mga bagong halal na Iskolar ng Lungsod Council para sa A.Y. 2024-2025
•Pagpapaabot ng mortuary assistance para sa mga kaanak ng mga CGT employees na namatayan
•Pamamahagi ng Life and Accident Insurance mula Pamahalaang Lungsod at Philippine Crop Insurance Corporation para sa mga livestocks farmers
•Pakikiisa sa pagbubukas ng McDonalds Tanauan City Crossing
•Matagumpay na paglulunsad mg KOOP Quiz 13th Blast kaugnay ng Cooperative Month
• Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueño mula Brgy. Tinurik at Suplang
• Pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Women’s Organization of Darasa (WOOD)
Samantala, pormal na ring nanumpa ang ating Mayor Sonny Perez Collantes bilang kasalukuyang miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na pinangunahan ni Congw Maitet Collantes at NPC Secretary General Mark Leandro Mendoza.
Habang naging matagumpay naman ang isinagawang pagdiriwang sa Lungsod ng Anibersaryo ng 3rd Air Force Wing Reserve na pinamumunuan rin ni Mayor Sonny bilang Brigadier General kasama si Air Force Reserve Command Acting Commander BGEN LLEWILLYN S BANAAG (PAF).
Previous Consultative Meeting kasama ang ating mga Brgy. Captains!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved