Happy Monday, Tanaueños! 

Pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong umaga ang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan kung saan kaniya ring ibinahagi ang ulat sa bayan para sa nagdaang linggo.
Kabilang sa mga aktibidad ng ating Punong Lungsod ay ang mga sumusunod:
• Regular na pagpupulong kasama ang mga Punong Barangay.
• Pakikipagpulong sa mga kawani ng Philippine Army para sa kanilang isasagawang recruitment
• Pamamahagi ng school bags and flexible uniforms para sa mga mag-aaral ng Mabini Elementary School at Tinurik Elementary School
• Pagsasagawa ng clean up drive sa paligid ng Lawa ng Taal bilang pakikiisa sa 2024 World Clean Up Day
• Pamamahagi ng CGT Educational Assistance para sa mga mag-aaral mula sa Brgy. Talaga, Bañadero, Ambulong at Maugat
• Personal na paghahatid ni Mayor Sonny ng cash incentives para sa ating Centenarian na si Ms. Nicolasa Panghulan mula Banjo West
• Pagsasagawa ng Oath taking ceremony para sa mga bago at promoted na guro sa Lungsod ng Tanauan
• Pamamahagi ng Local AICS para sa mga Tanaueño
• Paglulunsad ng Small Scale Integrated Diversified Organic Farming System at Farmers Field School (FFS) on Corn Production and Management para a mga magsasakang Tanaueño.
• Pakikisa sa regular na Tanauan City/Barangay Women’s Coordinating Council sa pangunguna ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes
• Pamamahagi ng honorarium para sa Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars
• Pakikiisa sa 50th Founding Anniversary at 4th National Convention ng Batangas Varsitarian.
Kaugnay rin sa pagdiriwang ng 32nd National Family Week #FamilyWeek at “Kainang Pamilya Mahalaga” Day sa buong bansa, inanunsyo rin ni Mayor Sonny ang suspensyon ng pasok para sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan mamayang alas-3 ng hapon alinsunod sa Memorandum Circular No. 64 na naglalayong mabigyan ng sapat na oras ang mga pamilyang Pilipino.