Happy Monday, Tanaueños!
.

Pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong umaga ang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan kung saan kaniya ring ibinahagi ang ulat sa bayan para sa nagdaang linggo.
Kabilang sa mga aktibidad ng ating Punong Lungsod ay ang mga sumusunod:
• Paglulunsad ng Kanegosyo Center Business Coaching mula sa Cebuana Lhuillier at Tanauan CCLDO
• Paghahatid ng Training Workshop para sa pagbuo ng Local Development Plan for Children
• Pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Darasa, Banjo East, Banjo West
• Pamamahagi ng Local AICS at Senior Citizen’s Cash Incentives
• Pagpapaabot ng DOLE TUPAD para sa mga Tanaueño mula sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, SenCongSec. Ralph Recto at Gov. Vilma Santos-Recto
• Pakikiisa sa Anibersaryo ng Ramonita TODA
• Pagsasagawa ng Tree Planting Activity kaugnay sa pagdiriwang Cooperative Month
• Pakikiisa sa Graduation Ceremony ng 4Ps 2024 Pugay Tagumpay
• Pagpapasinaya ng 2nd Mayor Sonny Perez Collantes Champion’s League
Samantala, ibinahagi rin ni Mayor Sonny na patuloy ang monitoring ng Tanauan CDRRMO sa kasalukuyang estado ng ating Bulkang Taal maging ang localized Air Quality sa Lungsod, partikular na sa 48 Barangay sa Lungsod.
