Happy Anniversary, Women’s Organization Of Darasa (WOOD)!

#NgayonSaTanauan, prayoridad ang bawat Tanaueña! Kaya naman bilang pagsuporta sa mga kababaihan, nakiisa sina Mayor Sonny Perez Collantes, Atty. King Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo “Dodong” Panganiban ABLAO sa masayang pagdiriwang ng 30th Anniversary ng Women’s Organization Of Darasa (WOOD).
Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-diin nito ang malaking papel ng mga kababaihan tulad ng WOOD sa paghubog ng ating komunidad. Ipinaabot din nito ang ilan sa mga programang hatid ng lokal na pamahalaan upang maisgurong inklusibo at puno ng oportunidad ang Lungsod ng Tanauan para sa kanilang sektor.
Kasama rin sa nagpaabot ng suporta sa nasabing okasyon ay sina Kon. Czylene Marqueses, CDRRMO OIC Ms. Chevy Menguito, SK Vice President Clarence Micosa, Luyos BWCC President Ms. Lilibeth Arcega at Mr. Macky Gonzales.