Happy 14 years of excellence and service, 3rd Air Force Wing Reserve!
Bilang Brigadier General ng Philippine Air Force – 3rd Air Force Wing Reserve, isang makasaysayang pagdiriwang ng anibersaryo ang pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang mga reservists ng ating bansa.
Mula sa temang “Laang Kawal: Handang Maglingkod sa Inang Bayan”, taos pusong pinasalamatan ni Mayor Sonny ang lahat ng PAF Reservists ng ating bansa na katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan para sa mga Pilipino. Aniya, isang karangalan ang maging kabahagi ng Philippine Air Force Reserve na patuloy na maglilingkod para sa ating inang bayan.
Bukod dito, nagsilbing guest of honor naman si Air Force Reserve Command Acting Commander BGEN LLEWILLYN S BANAAG, PAF na naging katuwang din ni Mayor Sonny sa pagkilala sa mga natatanging reservists at stakeholders na katuwang ng 3rdAFWR sa paglilingkod.
Bukod dito, malugod ding tinanggap ni Mayor Sonny ang pagkilala ng PAF 3rd Air Force Wing Reserve sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan bilang kaagapay ng nasabing samahan sa kanilang iba’t ibang aktibidad at programa.