Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat, inihatid sa Ikatlong Distrito ng Batangas!
Mula sa inisyatibo ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na maihatid ang mga serbisyong hatid ni Pang. Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez, tagumpay na naihatid sa mga Batangueño ang AKAProgram sa ilalim ng Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat, inihatid sa Ikatlong Distrito ng Batangas ngayong araw.
Sa ilalim ng AKAProgram, layon nitong bigyan ng tulong pinansyal ang mga kababayan nating below minimum wage earners na kinakapos ang kita para sa iba’t ibang pangangailangan. Pamamaraan din ito nina Pang. Marcos at House Speaker Romualdez katuwang ang Kongreso upang maging abot-kamay ang mga programa ng pamahalaan para sa lahat.
Kaugnay nito, taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Sonny Perez Collantes sa ating mga opisyales ng nasyunal na pamahalaan kabilang na ang Department of Social Welfare and Development – DSWD sa paghahatid ng tulong para sa mga Tanaueño, lalo’t higit sa mga Batangueño ng Ikatlong Distrito
Kabilang din sa nakiisa sa nasabing aktibidad sina Atty. King Collantes at ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor tulad nina CSWD Head Ms. Vicky Javier, CDRRMO head Ms. Chevy Menguito, SK Federation Vice President Clarence Micosa, Mr. Marco Amurao, Dating Kapitan ng Barangay Ulango Tirso Oruga, Mr. Eboy Alcantara, Mr. Macky Gonzales, Engr. Sonny Natanauan at Luyos BWCC President Beth Arcega.