Halina’t silipin ang newly-renovated McDonald’s Tanauan Crossing!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang buong pamunuan ng McDonald’s Tanauan Crossing, muling binuksan ngayong araw ang newly-renovated McDonald’s Tanauan Crossing.
Mas pinabilis na rin ang counter transaction dito dahil sa mga installed modern kiosk machine kung saan maaari nang gamitin ng ating mga kababayan.
Ang nasabing aktibidad ay pagsuporta ni Mayor Sonny sa mga lokal na negosyo dito sa Lungsod na katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya nito at paghahatid ng trabaho para sa mga Tanaueño.
Maaaring bisitahin ang McDonald’s Tanauan Crossing sa Poblacion 2, Tanauan City, Batangas.