Generator Sets para sa mga Barangay sa Lungsod!

Generator Sets para sa mga Barangay sa Lungsod, inihatid ng Honda Philippines, Inc.. katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
Kaugnay sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Ccldo Tanauan sa pribadong sektor tulad ng Honda Philippines, Inc. tagumpay na naihatid ngayong araw ang generator sets para sa mga barangay sa Lungsod.
Ang nasabing aktibidad ay pormal na pinangunahan din nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes, Honda AVP for Business Administration Mr. Juan Jerry Datario, CSR Manager Ms. Cecille San Jose, dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at dinaluhan rin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay.
Kaugnay rito, taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa pagpapaabot ng GenSet ng Honda Philippines Inc. na lubos na kinakailangan ng ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad.
Ang naturang donasyong ito ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng naturang kumpanya katuwang ang ating lokal na pamahalaan upang mabigyan ng karagdagang serbisyo ang ating mga TanaueΓ±o.
May be an image of 9 people and text
Previous Barangay Assembly sa Luyos, naging matagumpay!

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved