Gender Responsive Consultative Dialogue, kababaihan ng Baรฑadero

Kasalukuyang binisita ni Tanauan City Womenโ€™s Coordinating Council President Atty Cristine Collantes ang mga kababaihan ng Baรฑadero, Ambulong, Talaga at Maugat para sa ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜‚๐—ฒ katuwang ang Gad Tanauan sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.

Kaugnay rito, naisagawa rin ang SWOT Analysis sa pamamagitan ng paggabay ng GAD Tanauan upang malaman ang kasalukuyang estado ng kababaihan sa mga nasabing barangay katuwang ang mga Sangguniang Barangay nito kasama sina Baรฑadero Kap. Jimmy Lalap, Ambulo Kap. Sherwin Mendoza ng, Talaga Kap. Rico Talagsad at Maugat Kap. Mel Mangubat.

Katuwang din sa pagbabahagi ng mga suggested livelihood programs ang mga BWCC Presidents na sina Ambulong Kapitana Girlie Mendoza, Baรฑadero Kapitana Mylene Lalap, Maugat Kapitana Morcy Mangubat na kinatawanan Ms. Liza Natividad at Talaga Kapitana Gemma Talagsad.

Ilan sa kanilang idinulog ang kay Atty. Cristine at 3rd District Representative’s Chief of Staff Atty. King Collantes ang iba’t ibang pangunahing kabuhayan sa kanilang komunidad kabilang na pagtatahi at dried fish processing.

Batay ito sa Executive Order No. 11 s, 2022 na inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes upang bigyang-kaalaman ang mga kababaihan patungkol sa mga malawakang implementasyon GAD-related laws at mga programa para sa kanilang sektor.

 

Previous Commemorating the 160th Birthday of Apolinario Mabini

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved