Asia Pacific, Baseball Tournament

GBK Fest Asia Pacific 12U Baseball Tournament

Sa panibagong pagkakataon, muling lalahok ang ating koponan na Tanauan City Baseball Team kasama ang iba pang Batangueñong Baseball Players sa gaganaping GBK Fest Asia Pacific 12U Baseball Tournament sa darating na ika-25 hanggang ika-27 ng Agosto sa Jakarta, Indonesia.
Sa kanilang pagbibisita sa Tanggapan ng Mamamayan sa pangunguna ng Sports Division Office, masayang ibinahagi ng mga manlalaro ang kanilang isinasagawang paghahanda sa naturang laban.
Habang nagpaabot naman ng suporta ang ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes sa husay na kanilang inilalaan sa larangan ng Baseball.
Samantala, nakatakda nang lumipad pa-Indonesia ang koponan ngayong araw na magsisilbing kinatawan ng Pilipinas kontra mga bansa mula Asia Pacific Region.
Previous Distribution of School Bags and Supplies, Sala Elementary School

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved