Nagkakaisang Kabataang Tanaueño
From Clicks To Progress : Youth Digital Pathways for Sustainable Development!

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan, isang masayang Fun Run Activity at Tree planting activity ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang sina SK Federation President Ephraigme Bilog at SK Vice President Clarence Micosa kasama sina CDRRMO OIC Ms. Chevy Menguito at Brgy. Gonzales Captain Rico Alcuzar.
Ang Fun Run Activity ay mayroong 7 stations na nagsimula sa New Tanauan Cityhall patungo sa Brgy. Gonzales na mayroong dalawang kategorya ang Women and Men Division, kung saan itinanghal sina:
Winners for Men
Champion – Carlo Maramot (Pantay Bata)
1st Place – Robert Salde (Banjo West)
2nd Place – Marcus Castillo (Tinurik)
Winners for Women
Champion – Alona Pamplona (Pob 4)
1st Place – Ariane Leop (Pob 1)
2nd Place – Valerie Melchor (Wawa)
Ang nasabing Tree Planting Activity naman ay ginanap malapit sa Sabang River Ecopark sa Brgy. Gonzales na nilahukan ng mga SK Chairperson ng 48 Barangay sa Lungsod, layunin nitong makahikayat ng mga kabataang Tanaueño upang makiisa para sa pangangalaga at pagpapaganda ng ating Inang kalikasan.
