Free Surgical Mission para sa mga Tanaueño, muling inihatid ng magkatuwang na inihatid ng St. Luke’s Medical Center Foundation Inc. at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
Upang masiguro ang kalusugan ng mga Tanaueño nakipag-ugnayan ang ating Mayor Sonny Perez Collantes sa pamunuan St. Luke’s Medical Center Foundation Inc. para sa kanilang isinasagawang Free Surgical Mission katuwang ang ating Tanauan City Health Office.
Kaugnay nito, kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ng Surgical Team mula St. Luke’s Medical Center Foundation Inc. ang minor at major operations para sa ating mga Tanaueñong sasailalim sa major surgeries mula sa iba’t ibang karamdaman. Personal ring binisita ni Mayor Sonny at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang ating mga kababayan upang kumustahin at silipin ang kanilang mga sitwasyon.
Taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa nasabing institusyon sa kanilang pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod upang matulungan ang ating mga kababayang kinakailangang maoperahan. Aniya, malaking bagay ang inisyatibong ito sa paghahatid ng agarang serbisyong medikal para sa mga Tanaueño.