Final Draft ng Local Development Plan for Children, aprubado na ng Local Council for the Protection of Children!
Aprubado na ng Local Council for the Protection of Children sa pangunguna ni LCPC Chair Mayor Sonny Perez Collantes ang final draft ng Local Development Plan for Children para sa taong 2025-2030 matapos ang 4th Quarterly Meeting.
Ang nasabing draft LDPC ay kasalukuyan na ring inihahanda para maisumite sa Sangguniang Panlungsod para sa isasagawang resolusyon ukol dito.
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga programa at serbisyong poprotekta sa karapatan ng bawat Kabataang Tanaueño, kabilang ang pagtugon sa kanilang pangangailangan sa iba’t ibang aspeto na nakabatay sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC).
Bukod dito, tinalakay rin ang mga accomplishment reports patungkol sa implementasyon ng mga serbisyong pangkabataan katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
