Emergency Operations Center, pormal nang binuksan bilang paghahanda sa paparating na bagyong #PepitoPH
Bilang paghahanda ng Lungsod ng Tanauan sa paparating na bagyong #PepitoPH, pinangunahan ngayong gabi ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pagbubukas ng Emergency Operations Center katuwang ang frontline offices ng lokal na pamahalaan.
Kaugnay nito, naka- “Full Alert Status” na ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Team at CDRRM Council upang siguraduhin ang kaligtasan ng bawat Tanaueño, lalo’t higit ang mga nakatira sa disaster prone areas.
Nakaamtabay na rin ang emergency medical assistance, heavy and pumping equipments at rescue vehicles sakaling kailanganing magsagawa ng paglikas.
Habang handa na rin ang mga permanent at temporary evacuations sa iba’t ibang barangay na maaaring matuluyan ng ating mga kababayan.
Samantala, patuloy na pinag-iingat ang publiko upang maiwasan ang posibleng pinsala ng bagyo.
Para sa kabuuang report, i-click ang link na ito: