Emergency Housing Assistance Program

Emergency Housing Assistance Program, personal na ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa Pamilyang nasunugan sa Brgy. Ambulong!
Personal na ipapaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pamamagitan ng Tanauan Local Social Welfare and Development ang Emergency Housing Assistance para sa pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Ambulong.
Ang programang ito ay inisyatibo ni Mayor Sonny upang maibsan at mabigyan ng agarang tugon sa mga kababayan nating nakaranas ng di inaasahang sakuna.
Matatandaan na nitong sabado ng gabi ay sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. Ambulong kung saan natupok ang kabahayan ng Pamilya Luzaran.
Previous Tanauan LGU’s Comprehensive Development Planning

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved