Educational Assistance para sa Barangay Poblacion 1, 2, 5, at 7, ipinaabot

Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Barangay Poblacion 1, 2, 5, at 7
Umabot sa kabuuang 2,093 mag-aaral mula Brgy. Poblacion 1, 2, 5, at 7 ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kahapon katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon para sa bawat pamilyang Tanaueño, tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang interview at assessment para sa iba pang kwalipikadong mag-aaral sa iba pang mga barangay
Previous Pagbibigay tulong ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa bawat Tanaueño

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version