Educational Assistance, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw!

Educational Assistance, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw!
Tagumpay ngayong araw ang isinagawang pamamahagi ng educational assistance matapos personal na ipaabot ito ni mayor Sonny Perez Collantes para sa 649 mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay.
Naging katuwang sa nasabing payout na ito ay ang Barangay Affairs Office, City Treasury Office at mga kawani ng mga Sangguniang Barangay nito.
Sa kabuuan, umabot na sa higit 19,000 na mga mag-aaral ang nakatanggap ng educational assistance sa Lungsod ng Tanauan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, patuloy ang pamamahagi ng educational assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño.
Previous Orientation on Indoor Residual Spray, pinangunahan ni Mayor Sonny at Tanauan CHO!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version