Educational Assistance, Mayor Sonny Perez Collantes

Educational Assistance, Brgy. Tinurik, Mabini at Bagbag

TINGNAN | Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Tinurik, Mabini at Bagbag!
Umabot sa kabuuang 2,367 na mga mag-aaral mula Brgy. Tinurik, Mabini at Bagbag ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kaninang hapon katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga miyembro ng kanilang Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Eric Manglo at Kon. BGEN. Ben Corona na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Hard Discount Philippines Inc. (Dali Everyday Grocery)!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved