Educational Assistance Brgy. Bagumbayan at Hidalgo!

Educational Assistance, tagumpay na ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Bagumbayan at Hidalgo!
Mga mag-aaral mula sa Brgy. Bagumbayan at Hidalgo ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance ngayong araw katuwang ang Barangay Affairs Office, City Treasury Office at mga kawani ng nasabing mga Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes , Atty. King Collantes at miyembro ng Sangguniang Panlungsod na Kon. Ben Corona na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon para sa bawat pamilyang Tanaueño, tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang interview at assessment para sa iba pang kwalipikadong mag-aaral sa iba pang mga barangay
Previous Macro and Micro Small Business Enterprises sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version