Educational Assistance, Barangay Pantay Bata, Pantay Matanda at Laurel!

Educational Assistance, tagumpay na ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Barangay Pantay Bata, Pantay Matanda at Laurel!
Umabot sa kabuuang 2,103 mga mag-aaral mula Brgy. Pantay Bata, Pantay Matanda at Laurel ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance ngayong araw katuwang ang Barangay Affairs Office, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes , Atty. Cristine Collantes at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon para sa bawat pamilyang Tanaueño, tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang interview at assessment para sa iba pang kwalipikadong mag-aaral sa iba pang mga barangay
Previous Congratulations, Tanauan Institute Class of 2023! (College and Graduate School)

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved