Dulot ng pinsalang iniwan ng Bagyong #KristinePH sa ating Lungsod partikular sa mga kababayan natin sa Sitio Puntod at Sitio Paso Brgy. Maria Paz, sila ay kasalukuyang inilikas sa Evacuation Center sa Maria Paz Elementary School.
Ngayong ding araw, sila ay binisita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang maghandog muli ng mga karagdagang tulong. Isang pamamaraan upang maiparamdam sa ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa sa oras ng kanilang pangangailangan.
Kasabay rin nito ang pagbisita sa bawat kabahayan sa Barangay Maria Paz katuwang si Kap. Edie Balba upang alamin ang kanilang mga sitwasyon at kalagayan.
