Benchmarking Activity sa Halal-certified Tanauan City Slaughter House!

DTI Tarlac, nagsagawa ng Benchmarking Activity sa Halal-certified Tanauan City Slaughter House!
Upang mas maibahagi sa iba pang rehiyon ang progreso ng iba’t ibang pasilidad ng Lungsod ng Tanauan, pormal na nagsagawa ng courtesy and benchmarking activity ang pamunuan ng Department of Trade and Industry-Tarlac sa Halal-certified Tanauan City Slaughter House ngayong araw.
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, kaniyang ibinahagi ang ilan sa mga best practices na isinagawa ng lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kalidad ng mga karneng inaangkat sa Tanauan City Slaughter House.
Ang nasabing benchmarking ay dinaluhan rin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang Non-Government Agencies, LGUs, Academe, at MSMEs ng Tarlac.
#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCityBatangas
May be an image of 5 people, tree and text
Previous Emergency Shelter Assistance Program para sa mga Tanaueñong napektuhan ng Bagyong #KristinePH

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved