DSWD AKAProgram para sa Ikatlong Distrito ng Batangas

DSWD AKAProgram para sa Ikatlong Distrito ng Batangas, inihatid ng tanggapan ni Congw. Maitet Collantes!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, tagumpay na naipaabot sa mga Batangueño mula Ikatlong Distrito ang Ayuda sa Kapos Ang Kita Program o AKAProgram ngayong araw.
Katuwang si 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes at Department of Social Welfare and Development – DSWD, naipabot ang nasabing programa para sa iba’t ibang bayan, kabilang na ang Lungsod ng Tanauan.
Layon nitong mabigyan ng ayuda ang ating mga kababayan partikular na ang mga below minimum wage earners na naapketuhan ng bagyong #KristinePH.
Previous Libreng Uniporme para sa PWD Association Presidents and Coordinators

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved