DSWD AICS para sa mga Batangueño, tagumpay na ipinaabot ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.
Tagumpay ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development na inihatid ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa ating mga kababayan sa ikatlong distrito ng Batangas.
Personal na ipinaabot ang tulong pinansyal para sa pangangailangan ng ating mga kababayan tulad ng Hospitalization, medical maintenance at burial assistance.
