DOLE TUPAD, inihatid para sa mga Batangueño!
Sa pamamagitan ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang si Mayor Sonny Perez Collantes ay naihatid ngayong araw ang DOLE TUPAD Orientation para sa mga Tanaueño.
Naging katuwang upang maisakatuparan ang naturang programang ito ang Department of Labor and Employment – DOLE.
Sa pamamagitan ng programang ito ay mabibigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang ating mga kababayan. Sila rin ay kabahagi ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran ng ating Lungsod.
