DepEd R-4A Calabarzon Regional Management Committee

Kaugnay sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon, nakiisa sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa isinagawang 11th Regional Management Committee ng Deped CALABARZON katuwanag ang DepEd Tayo – DepEd Tanauan City.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang Schools Division Offices ng rehiyon upang talakayin ang mga aspetong magpapaunlad sa mga mag-aaral at guro sa mga susunod na taon batay sa MATATAG Curriculum.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang pamunuan ng DepEd sa patuloy na pag-agapay nito sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa bawat kabataan at sa kanilang magandang kinabukasan.
Habang nakiisa rin sa naturang aktibidad sina DepEd CALABARZON Regional Director Atty. Alberto Escobarte at Assistant Regional Director Dr. Loida Nidea.
May be an image of 4 people and text
Previous Local AICS para sa mga Tanaueรฑo

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved