Dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at Batch 1970 UP Sigma Rho Fraternity

Dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at Batch 1970 UP Sigma Rho Fraternity, magiging kaagapay ni Mayor Sonny Perez Collantes sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod
Personal na pinaunlakan ng ating Dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kasama ang mga miyembro ng Batch 1970 UP Sigma Rho Fraternity ang paanyaya ng ating Mayor Sonny Perez Collantes at ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes na bisitahin ang ating Lungsod ng Tanauan.
Sa kanilang talakayan, ibinahagi ng mga miyembro nito at ni Justice Carpio ang kanilang paghanga sa kasalukuyang pamamalakad ni Mayor Sonny sa Lungsod ng Tanauan at maging sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyong publikong inilalapit ng lokal na pamahalaan sa mga komunidad na nasasakupan nito.
Anila, buo ang suporta at handang makibahagi ang mga miyembro ng UP Sigma Rho Fraternity sa mga programa at proyektong isinusulong ng ating butihing Punong Lungsod upang maiangat ang pamumuhay ng ating mga Tanaueño.
Kabilang din sa mga bumisita ay sina RTC Calamba Judge Gregorio Velasquez, Former BIR RD Atty. Lucien Sayuno, Atty. Butch Junio, Former Cong. Mon Garcia, Atty. George Briones, Atty. Lemuel Santos, Atty. Chito Vera Cruz, Mr. Wackie Carva, Atty. Estoy Estorninos, Atty. Ferdinand Domingo, Former CA Presiding Justice Romeo Barza, Former RTC Judge Ruben Plata at Mr. Mike Plata na malalapit ding kaibigan ng ating Alkalde.
Previous 1st Quarterly Meeting ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version