Daichi Properties Owners, handang tumulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Lungsod ng Tanauan

Alinsunod sa misyon ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na pasiglahin ang lokal na ekonomiya at makapaghatid ng mas maraming oportunidad sa kanyang mga kababayan, naging matagumpay ang pagpupulong nito katuwang ang ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes sa mga Investors and Daiichi Properties owners na sina Mr Salvador Uy at Ms Charmaine Uy.

Ito ay ginanap sa tanyag na The Finance Centre na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Lungsod ng Taguig. Kilala ang Daiichi Properties sa mga award winning projects at mga prestihiyosong pagkilala tulad ng pagkapanalo nito ng Five-Star Best Office Development by the Asia Pacific Property Awards, taong 2019.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang pagsisikap ng ating Punong Lungsod na ibalik ang tiwala ng mga malalaking investors sa ating Pamahalaang Lokal.

#CityGovernmentOfTanauan
#DaiichiProperties

See less
Previous 1 Day Executive Course on Incident Command System (ICS)

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version