Consultative Meeting kasama ang nga Tanaueñong naapektuhan ng Bagyong #KristinePH, pinangunahan ni Mayor Sonny!
Upang personal at agarang maipaabot ang kinakailangang tulong para sa mga kababayan mula Brgy. Maria Paz, nagsagawa nfayong araw si Mayor Sonny Perez Collantes ng consultative meeting katuwang sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Sangguniang Barangay ng Maria Paz sa pamumuno ni Kap. Eddie Balba.
Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito ay personal na ibinahagi ng mga Tanaueñong naapektuhan ng bagyong #KristinePH ang kay Mayor Sonny at Congw. Maitet ang kanilang mga pangangailangan.
Bilang tugon, magpapaabot si Mayor Sonny ng Emergency Housing Assistance para sa mga apektadong residente ng Brgy. Maria Paz, kabilang na ang Sitio Mahabang Buhangin na lubos na napinsala ng nagdaang bagyo.
Bukod dito, kasalukuyang inaayos na rin ang linya ng kuryente sa mga kabahayan sa ilang bahagi ng barangay.
Bukod dito, nagpaabot din ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Tanauan Local Social Welfare and Development ng mga relief packs sa ating nga Tanaueñong nakiisa sa programa.