Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueñong naapektuhan ng Bagyong #KristinePH, pinangunahan ni Mayor Sonny!
Nagsagawa rin consultative meeting ang ating Mayor Sonny Perez Collantes para sa mga Tanaueñong naapektuhan ng bagyong #KristinePH mula sa iba’t ibang barangay katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development.
Bahagi ito ng inisyatibo ni Mayor Sonny upang personal na alamin ang kasalukuyang estado ng ating mga kababayan matapos ang nasabing kalamidad.
Kaugnay nito, nagpaabot rin ng relief packs ang lokal na pamahalaan habang nasa proseso na ngayong pagbababa ng Emergency Housing Assistance Program upang maibsan ang kanilang mga pangangailangan.