Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueño mula Brgy. Suplang

Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueño mula Brgy. Suplang, punangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny na mas ilapit ang mga programa ng lokal na pamahalaan, nakiisa ang ating Punong Lungsod sa ginanap na Barangay Assembly ng Suplang na pinagunahan ni Kap. Michael Lumbres.
Pamamaraan ito ni Mayor Sonny upang malaman ang estado at suliranin ng nasabing barangay upang maibaba ang mga komprehensibong programa batay sa kanilang pangangailangan.
Kaugnay rito, nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes, City Administrator Mr. Dodong Panganiban Ablao, Kon. Czylene Marqueses at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor tulad nina CSWD head Ms. Vicky Javier, CDRRMO head Ms. Chevy Menguito, SK Federation Vice President Clarence Micosa, Luyos BWCC President Ms. Lilibeth Arcega, Engr. Sonny Natanauan at dating Mabini Kap. Eboy Alcantara na katuwang ni Mayor Sonny sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong publiko.
Previous Bagong BATELEC Branch Office, bubuksan sa Lungsod ng Tanauan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved