Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueño mula Brgy. Sala, punangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mas ilapit ang mga programa ng lokal na pamahalaan, nakiisa ang ating Punong Lungsod sa ginanap na Barangay Assembly ng Sala na pinagunahan ni Kap. Gido Terrones ngayong araw.
Pamamaraan ito ni Mayor Sonny upang malaman ang estado at suliranin ng nasabing barangay upang maibaba ang mga komprehensibong programa batay sa kanilang pangangailangan.
Kaugnay rito, nakiisa rin sa nasabing aktibidad si Atty. King Collantes na katuwang nina Mayor Sonny at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong publiko.
