Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueño mula Brgy. Pantay Bata, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueño mula Brgy. Pantay Bata, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mas ilapit ang mga programa ng lokal na pamahalaan, nakiisa ang ating Punong Lungsod sa ginanap na Barangay Assembly ng Pantay Bata na pinagunahan ni Kap. Mike Manalo ngayong araw.
Pamamaraan ito ni Mayor Sonny upang malaman ang estado at suliranin ng nasabing barangay upang maibaba ang mga komprehensibong programa batay sa kanilang pangangailangan.
Kaugnay rito, nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng Lungsod na katuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong publiko.
May be an image of one or more people and text
Previous Patuloy ang isinasagawang Clearing, Search and Retrieval Operation sa Sitio Mahabang Buhangin!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved