Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueño mula Brgy. Darasa, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mas ilapit ang mga programa ng lokal na pamahalaan, nakiisa ang ating Punong Lungsod sa ginanap na Barangay Assembly ng Darasa na pinagunahan ng Sangguniang Barangay Darasa sa pamumuno ni Kap. Gerry Llanto ngayong araw.
Pamamaraan ito ni Mayor Sonny upang malaman ang estado at suliranin ng nasabing barangay upang maibaba ang mga komprehensibong programa batay sa kanilang pangangailangan.
Bukod dito, nagpaabot din ng relief packs si Mayor Sonny katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development para sa mga Tanaueñong naapektuhan ng kamakailang bagyong #KristinePH, kung saan isa ang Brgy. Darasa sa binaha.
Kaugnay rito, nakiisa rin sa nasabing aktibidad si dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao na katuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong publiko.