Kaugbay sa patuloy na pagpapa-unlad ng Lungsod ng Tanauan, pinulong ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga kagawad ng 48 barangays upang talakayin ang iba’t ibang prayoridad na serbisyo para sa kanilang mga komunidad.
Nagsilbing pagkakataon din ito upang maiparating ang kanilang mga panukalang programa sa ating kinatawan ng distrito, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes.
Samantala, nakiisa rin sa naturang aktibidad sina TCWCC Atty. Cristine Collantes at Atty. Raffy Garcia na katuwang ni Mayor Sonny sa pagbababa ng mga serbisyo para sa ating mga Tanaueño.