Consultative Meeting kasama ang mga 4Ps members, pinangunahan ni MayorSonny Perez Collantes!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mas ilapit ang mga programa ng lokal na pamahalaan, nakiisa ang ating Punong Lungsod sa ginanap na General Meeting ng 4Ps members ng 48 barangay.
Pamamaraan ito ni Mayor Sonny upang malaman ang estado at suliranin ng nasabing grupo upang maibaba ang mga komprehensibong programa batay sa kanilang pangangailangan.
Bukod dito, nagpaabot din ng relief packs si Mayor Sonny bilang suporta sa kanilang pangangailangan.