Congratulations, Tanaueño Graduates!
TAGUMPAY na nagsipagtapos ang ating mga Tanaueñong sumailalim sa Libreng Skills Training na hatid nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan sa pamumuno ni Ms. May Fidelino.
Ilan sa mga libreng training na inihatid ay ang mga sumusunod:
• Sewing Skills Training
• Hair and Make Up Skills Training
• Basic Hair Cutting
• Manicure, Pedicure, Foot and Hand Spa Skills Training
Nagsilbi namang kinatawan ni Congw. Maitet Collantes sa naturang aktibidad si TCWCC President Atty. Cristine Collantes na katuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng hanapbuhay sa kababaihan at iba pang sektor sa lungsod.
Samantala, sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng mga programang mag-aangat sa pamumuhay ng ating mga kababayan. Kaniya ring inanunsyo na patuloy pang palalawakin ang mga ganitong uri ng programa para sa ating mga kababayan at sa ating mga kabataan.