Congratulations, sa lahat ng lingkod bayan ng Barangay Maugat!

Congratulations, sa lahat ng lingkod bayan ng Barangay Maugat!
Personal na binisita at binigyang-pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Atty. King Collantes, at TCWCC President Atty. Cristine Collantes ang nga Tanaueño sa isinagawang Barangay Maugat 2024 Gawad Parangal.
Bahagi ng nasabing programa ang pagbibigay-pugay sa ipinakitang sipag at dedikasyon ng mga kawani ng Sangguniang Barangay, Barangay Functionaries at mga mamamayan ng Maugat sa nagdaang taon.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang ating mga Tanaueño sa pagiging ehemplo nito upang masigurong natutugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Samanatala, nakiisa din sa nasabing aktibidad si Atty. Raffy Garcia na katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng serbisyo para sa mga Tanaueño.
May be an image of 7 people
Previous Ika-128 taong anibersaryo ng kabayanihan ng ating Pilipinong Bayani, Gat. Jose Rizal.

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved