Community-Based Drug Rehabilitation Program

Community-Based Drug Rehabilitation Program inihatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs)
Personal na ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes ang kaniyang pagbati sa mga kababayan nating nakapagtapos ng Counseling sa ilalim ng Community Based Drug Rehabilitation Program katuwang ang Tanauan City Health Office, Tanauan PS Pulis at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) at CSWD
Ang naturang rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod na “BANGON (BAgo Nating Gabay sa Obligasyon Nang pagbabago ng mga Tanaueño)” ay layong bigyang-interbasyon ang ating mga kababayang naapektuhan ng ipinagbabawal na gamot.
Patunay ito sa patuloy na pagkalinga at pagyakap ng ating lokal na pamahalaan sa mga mamamayang bahagyang naligaw ng landas at binibigyan ng oportunidad upang mabago ang kanilang buhay.
May be an image of 8 people, people studying, table, lighting and text
Previous Team Building Seminar para sa mga miyembro ng LGBTQIA+

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved