Committee Hearing on Tourism, Archives and Historical Matters!

18 January 2022 | Committee Hearing on Tourism, Archives and Historical Matters!
Isinagawa kahapon, ika-18 ng Enero ang Committee Hearing hinggil sa Cultural Mapping Project ng Pamahalaang Lungsod na pinangunahan ni Committee Chair on Tourism, Archives and Historical Matter Sam Torres Aquino Bengzon.
Kasama sa naimbitahan si Mr. Prince John Catumber mula sa National Commission for Culture and the Arts para talakayin ang mga nakapaloob na detalye para sa Memorandum of Understanding (MOU).
Kaugnay nito, nabigyang pansin at napagkasunduan din ang mga sumusunod:
-Pagkuha ng mga datos para sa nasabing proyekto para sa pagbuo ng Cultural Mapping Project Technical Group;
-Rekomendasyon sa pagkuha ng mga miyembro ng nasabing technical group alinsunod sa Qualifications ng NCCA;
-Pagsasagawa ng promotional campaign ng nasabing proyekto sa pamamagitan ng City Information Office.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng mga hakbangin ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mapangalagaan at maprotektahan ang mga Pamanang Kultura sa Lungsod ng Tanauan. Bukod sa makasusunod sa pamantayan ang Pamahalaang Lungsod upang masungkit ang Seal of Good Local Governance (SGLG), makikilala rin ang ating Lungsod bilang isang makasaysayang syudad na dadayuhin ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Previous Business One-stop-shop, patuloy ang pag-arangkada sa Gymnasium 1!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved