Collantes-Recto, naghatid-serbisyo’t kasiyahan para sa mga Tanaueño!
Maagang pamasko para sa mga Tanaueño ang magkatuwang na inihatid nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, former Gov. Vilma Santos-Recto at Mr. Lucky Manzano ngayong umaga.
Kabilang sa mga programang ibinaba katuwang ang iba’t ibang tanggapan ay ang DOLE TUPAD mula sa tanggapan ni SenCongSec. Ralph Recto katuwang ang PESO Tanauan City at DOLE, Pamaskong Handog para sa mga mamamayang Tanaueño at Christmas Cash Incentives para sa mga Senior Citizens at PWDs mula kay Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang OSCA Tanauan at PDAO Tanauan.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes sa pamilya Recto sa patuloy nitong pakikipagtulungan upang maiangat ang pamumuhay ng bawat Pamilyang Tanaueño.
Samantala, bukod sa mga serbisyong hatid ng ating pamahalaan, nagbigay-kasiyahan din para sa ating mga kababayan si Mr. Carlo Aquino at Ron Angeles.