Civil Security Unit Regular Meeting

Civil Security Unit Regular Meeting
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, pinasinayaan ngayong araw ang regular na pagpupulong ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng Civil Security Unit.
Bahagi ng nasabing pagpupulong ay ang mga hakbang ng naturang tanggapan upang patuloy na masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa Lungsod ng Tanauan, kabilang na ang mga pampublikong lugar katuwang ang ating mga Kapulisan.
Samantala, taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa patuloy na pakikipagtulungan ng CSU sa iba’t ibang emergency response, partikular na sa katatapos lamang na Bagyong #KristinePH at #UNDAS 2024.
Previous LIBRENG SKILLS TRAINING PARA SA MGA TANAUEÑO

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved