City Government of Tanauan Flag Raising Ceremony

Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan at BFP Tanauan, may mga inihanda ng aktibidad at programa para sa nalalapit na Women’s Month at Fire Prevention Month Celebration!
Bilang panimula ngayong Linggo, ilang anunsyo mula sa Gender and Development Office ang ipinabatid sa mga kawani hinggil sa mga isasagawang aktibidad para sa nalalapit na selebrasyon ng Women’s Month.
Kaugnay nito, may mga inihanda ring programa ang Bureau of Fire Protection – Tanauan para naman sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa susunod na buwan na may temang “ Sa Pag-iwas sa Sunog ay hindi po kayo Nag-iisa”. Bilang bahagi nito, inaanyahan ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod at ang ating mga kababayan na lumahok at makiisa sa adbokasiyang ito upang labanan at sugpuin ang pagkakaroon ng sunog sa ating Lungsod.
Habang, sa patuloy na pakikipag-ugnayan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa Pamahalaang Nasyunal, ngayong araw ang nakatakda para sa karagdagang pondong matatanggap ng bawat Barangay sa Lungsod mula sa Malacañang Palace.
Happy Monday Tanauenos!
Previous 1986 People Power Revolution

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved